Nagsimula na ang hearing sa Pilipinong suspect na pumatay sa isang Japanese na babae

Nagsimula na ang hearing ng Pilipinong suspect sa pagpatay noon 2004 sa isang Japanese na babae na university student. Ang suspect, isang 36-anyos na Pilipino na inaresto noong nakaraang taon ay umamin sa korte noong Martes sa pag-rape at pagpatay ng biktima

Sa unang hearing sa korte, inamin ni Lampano Jerico Mori ang isinagawang krimen laban sa 21-anyos na babae, na noong ay 2nd year student ng Ibaraki University, ngunit ang defence team ay itinanggi ang bahagi ng mga charges tulad ng bilang ng mga saksak ng kutsilyo na ginawa ng suspect.

Si Mori ay nakipagsabwatan sa dalawang juveniles at isinakay ang babae sa isang kotse sa isang kalye na malapit sa bayan ng Ami, Ibaraki Prefecture, pagkatapos ay ginahasa at sinakal nila ang biktima bandang madaling araw ng Enero 31, 2004, pagkatapos ay pinatay nila ang biktima sa pamamagitan ng pagsaksak ng maraming beses gamit ang kutsilyo at tnapon ang katawan sa isang sapa sa kalapit na nayon ng Miho.

Inaresto ng pulis si Mori noong nakaraang Setyembre, na noon ay nagtatrabaho sa isang factory sa Gifu Prefecture sa central Japan at inilagay sa international wanted list ang kanyang dalawang Pilipinong kasabwat, na ngayon ay nasa edad na 34 at 32 ngunit nasa menor de edad sa ilalim ng batas ng bansang Japan sa panahon ng pagpatay.

Ngunit maliit ang chance ng pulisya na makapagtayo ng isang kaso laban sa dalawang Pilipino dahil pareho silang umalis sa Japan pagkatapos ng pagpatay. Sa hearing ng Mito District Court, sinabi ng prosecutors na ang DNA sample na tumugma sa akusado ay natagpuan sa kamay ng babae.

Sinabi rin ng mga prosecutors na nag-confess si Mori sa ginawang krimen sa ina ng isa sa kanyang mga kasabwat noong Marso 2007. Ayon sa depensa ng council ni Mori, ang suspect ay isang “binata” din noong mga oras na iyon at ang kanyang aksyon ay nag-escalate dahil na din sa impluwensya ng kanyang mga kasabwat.

Sinabi din ng council ni Mori, na noon ay nagtatrabaho sa isang electronic parts factory sa Miho, ay pinagsisisihan ang kanyang maling ginawa at gustong pagbayaran ang ginawang krimen.

Watch video:

 

Source・Video\PhotoCourtesy: ANN News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s