Update sa Pilipino na nahulihan ng 10 baril at mahigit 200 na bala sa kanyang apartment sa Tokyo

Hinuli din ang Shacho o presidente ng construction company na pinagta-trabahuan ng Pilipino na naaresto kamakailan dahil nakitaaan ito ng isang maleta na nagkakalaman ng 10 armas at mahigit 200 na bala sa company dormitory ng isang construction company sa Fuchu, Tokyo.

Nauna ng naaresto si Charles Eiron Mitra (29) isang Pilipino na nagta-trabaho sa isang construction company. Ayon sa ulat noong April 10, umalis sa kanyang tinuluyang dormitory ang Pilipino pagkatapos itong matanggal sa trabaho, pagkaalis ng Pilipino ay dumating ang tagapamahala ng dormitory para linisan ang kwarto. Nakita umano ang isang kahinahinalang object sa loob ng kwarto kaya’t tumawag ito sa police.

Nakita ng police ang isang maleta na nagkakalaman ng mga armas at bala. Nakitaan din ng isang cylinder na pinaghinalaang explosives kaya’t inilikas ang iba pang nakatira sa dormitory at pansamantalang isinara ang lugar. Batay naman sa pagsusuri ng cylinder, natuklasan na hindi ito isang explosive.

Hindi mahanap ng mga police ang Pilipino ngunit noong hapon ng April 13, 2018, pumunta at sumuko ang Pilipino sa Police station. Sinabi nya sa police na pinatago lang sa kanya ang maleta ngunit hindi niya alam kung ano ang laman nito, itinanggi niya ang mga akusasyon na alam niya ang laman ng maleta.

Pagkatapos ng isang linggo, inaresto naman si Keita Uryuu (40) Presidente ng construction company na pinagta-trabahuan ni Mitra. Ayon sa imbestigasyon ng Metropolitan Police Department, pinatago ni Uryuu kay Mitra ang maleta at dahil nakitaan nila ng ebidensya na alam ni Mitra at involve siya sa pagtago ng maleta ay nanatili ang charge laban sa kanya at ang patuloy na pag-detain sa Pilipino.

Itinanggi naman ni Mitra ang akusasyon laban sa kanya at sinabing hindi niya alam na mga armas ang laman ng maleta at siya ay inosente.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Metropolitan Police Department ang iba pang mga tao na may kinalaman sa pagtatago ng mga armas.

 

Source: Ann News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s