Away ng mag-asawang Pilipino, nauwi sa pananaksak at pagpapakamatay

Isang misis ang sinaksak ng kanyang mister gamit ang isang kitchen knife sa kalye ng Gamagori City, Aichi Prefecture. Pagkatapos ay nahulog ang lalaki sa isang building na pinaniniwalaang tumalon ito at nagpakamatay matapos masaksak ang misis.

Ang arubaito na si Analiza Miyagi Jose isang 34 – taong – gulang na Pinay ay natagpuang duguan sa isang kalye ng Gamagori City, siya ay nagtamo ng mga saksak ng isang kitchen knife sa kanyang ulo bandang 7:30 am ng umaga ng ika-8 ng Abril at sa kasalukuyan ay nasa malubhang kalagayan.

Pagkatapos matagpuan na sugatan ang babae ay nakita naman ang mister nito na isang 33-taong-gulang na Pilipino na nasa state of cardiopulmonary arrest sa isang kalye na nasa 100 meters ang layo kung saan natagpuan ang babae.

Ayon sa pulis, nag-aaway ang dalawa sa kanilang bahay nang tumakbo ang babae palabas ng kanyang bahay at hinabol ito ng saksak ng lalaki, Ayon sa imbestigasyon nakatanggap ng text ang babae galing sa ibang lalaki kaya’t ikinagalit ito ng asawa at sinaksak siya. Paniniwala ng police na tumalon sa building ang lalaki dahil gusto nitong magpakamatay matapos masaksak ang asawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s