SETO FILIPINO COMMUNITY Sakura Viewing and BBQ Party at Heiwa Koen

Dumating na ang “Hanami Season” o Cherry Blossom Viewing sa Japan. Ito ang panahon upang lumabas ng bahay, tignan ang kagandahan ng sakura at mag relax at i-enjoy ang magandang panahon kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Nagtipon-tipon noong April 1 (Sunday) ang mga kababayan natin sa Heiwa Koen sa Nagoya City upang makapag-hanami at mag barbeque.

Ito ay dinaluhan ng Filipino Commmunity sa Seto Aichi at taga iba pang lugar. Hindi lang mga Pilipino, kasali din ang mga kapamilyang Hapon at Brasilian. Nagsalo-salo sa masarap na Barbeque at iba pang pagkaing Pinoy tulad ng bicol express,paklay bisaya, leche flan atbp.

Ang pagtitipon-tipon na ito ay ginawang possible ng mag-asawang si Philip at Janeth Watanabe na kung saan ginagawa nila ito taon-taon.

Nagkaroon ng kainan, kwentuhan, tawanan, sayawan, kantahan at ang highlight na palarong BINGO na kung may mga prizes na pinamigay sa mga nanalo.

Ang Heiwa Park ay matatagpuan sa East ng Nagoya. Ito ay napakalawak na lugar na may 146.5 hectare ang laki. Mayroong humigit-kumulang 2,250 mga sakura trees tuwing spring at maraming tao ang nage-enjoy na mag piknik dito.
Mayroon ding mga maple trees, Japanese red pin, wild azaleas, atbp.
At may humigit-kumulang na 80 uri ng mga wild birds na nakatira dito.

All photos are owned by: Philip Watanabe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s