Salary man arestado dahil kumapit sa labas ng pintuan ng train

Nag ala-spiderman ang isang salary man at kumapit sa labas ng pintuan ng train. Inaresto ng pulisya ang isang 44 anyos na lalaki, isang company employee dahil sa pagkapit nito sa train at sa pag bulabog nito sa operasyon.

Kumapit ang lalaki sa labas ng pintuan ng train at inilapat ang kanyang katawan, hindi pa nakakalayo sa station ng ilang metro nang mapansin ng operator ng train ang lalaki at agad na pinindot ang emergency stop button.

Nangyari ang insidente sa JR Sannomiya Station in Kobe City, Hyogo Prefecture bandang ala-1 ng madaling araw noong Abril 3 at papa-alis na ang pinakahuling biyahe ng train sa Sannomiya Station.

Ayon sa lalaki, nakita niyang papa-alis na ang huling train nung pagdating niya sa platform, dahil ito na ang pinaka-huling train at napakalayo pa ng kanyang uuwian, ang bahay ng lalaki ay malapit sa JR Nishimaishi station na kung saan 22 kilometers ang layo mula sa JR Sannomiya Station. Pinilit niya na makasakay dahil gusto niyang makauwi. Napag-alaman din na naka-inom ang lalaki.

Dahil dito nagkaroon ng 19 minutes delay sa operasyon ng pinakahuling train ng Sannomiya Station. Iginiit naman nya na alam nya na na-delay niya ang train pero hindi ito umabot ng 19 minutes katulad ng ibinibintang sa kanya.

Wach the video below:

Source: ANN News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s