「Ayaw tumigil sa kakaiyak, ang ingay…」iyan ang sabi ng isang tatay na taga Hyogo Prefecture sa mga Police nung siya ay hinuli.
Ayon sa Hyogo Prefectural Police Toyooka Minami Tosui binaril ng tatay gamit ang isang air gun ang walong buwang gulang na anak, at bilang resulta nagtamo ng mga pasa at pamamaga sa pisngi ng bata na kakailanganin ng 4 na linggong paggamot.
Ang suspect, isang Pilipino, part timer na nakatira sa Hyogo Prefecture Toyooka-shi Hidaka-cho na si La Madrid Glenn Jobel (23), ama ng biktima, ay inaresto ng Hyogo Prefecture Toyooka City Hidaka Town. Inamin niya naman ang kanyang ginawa “ayaw tumigil sa kakaiyak, ang ingay.” Sabi niya sa mga police.
Ayon sa salaysay, noong Marso 16, naganap ang pamamaril sa kanilang bahay, binaril ng ama ang sanggol nyang anak sa pisngi gamit ang isang air gun na may pellet na bala. Nagtamo ng mga pasa at pamamaga kung saan tumama ang mga pellet.
Dagdag pa pulisya, ang tatay lang at ang panganay na anak ang nasa bahay nung mangyari ang insidente. Pagdating ng asawa ay napansin nya ang mga sugat sa mukha ng bata.