Opisyal ng Hyogo Prefecture suspendido dahil sa pananakot sa kanyang asawang Pilipina

“Papatayin kita kapag hindi ka pumirma sa divorce paper” at saka tinutukan ng gunting, yan ang pagbabanta na ginawa ng isang opisyal ng Hyogo Prefecture sa kanyang Pilipinang maybahay.

Pinatawan ng Hyogo Prefecture ng disciplinary action at sinuspende ng 1 buwan noong Marso 29 ang isa sa opisyal nitong lalaki (57) sa Kobe Prefecture Center dahil sa pagbabanta gamit ang gunting sa kanyang maybahay kung ayaw nitong makipag diborsyo sa kanya. Ang opisyal na lalaki ay agad namang tumigil sa kanyang trabaho.

Ayon sa prefecture, ni-report ng Pilipina na nasa kanyang 20’s ang pagbabanta sa kanyang buhay ng kanyang mister na nangyari sa kanilang bahay sa Kobe Shi Nishi ku noong Pebrero 16. Naaresto ang lalaki ng sunod na araw.

Ang Kobe District Prosecution ang humawak ng kaso at inutusan ang lalaki na magbayad ng 200,000 yen bilang multa sa ginawa bukod pa sa pagka suspinde nito sa trabaho. Agad namang binayaran ng lalaki ang multa.

Ipinaliwanag ng mga opisyal na ang lalaki ay nagagalit dahil sa pagpapadala ng pera ng asawa nya sa pamilya nito sa Pilipinas bilang tugon sa prefectural interview. Ang dalawa ay ikinasal noong Agosto ng nakaraang taon. Sinabi ng lalaki na nagpapadala ang Pilipina ng halos 50,000 yen maximum sa isang buwan sa Pilipinas.

Source: Sankei News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s