Hello Kitty Shinkansen, ang pinaka-kawaii na bullet train sa mundo

Kamakailan Sinabi ng JR West na ititigil na nila ang operasyon ng kanilang limitadong-edition ng 500 Series Evangelion Shinkansen ngayong Mayo. Maraming nalungkot sa balitang ito lalo na sa mga fans ng Neon Genesis Evangelion na tumatakbo sa linya ng Sanyo Shinkansen mula Osaka hanggang Fukuoka mula pa noong Nobyembre 2015.

Kapalit nito, ipinahayag ng JR West na magkakaroon ng bagong animated character tie-up para sa kanilang 500 Series Shinkansen. Sa pagkakataong ito, ang Sanrio’s Hello Kitty ang magiging disenyo ng bagong bullet train nila. Ito ay tatakbo sa linya ng Sanyo Shinkansen mula sa Osaka’s Shin-Osaka Station patungong Hakata Station sa Fukuoka, na may kulay-rosas at puting tema na may tatak ng Hello Kitty at ang trademark nitong pink na ribbon.

Tulad ng Evangelion Shinkansen, ang espesyal na modelong Hello Kitty na ito ay magkakaroon ng eksklusibong mga tampok na disenyo sa una at ikalawang carriages nito. Sa unang karwahe, magkakaroon ng display na naka-set up upang itaguyod ang apela ng iba’t ibang mga rehiyon sa kanluran ng Japan, una ay ang ” San’in campaign, na nagpapakita ng mga prefecture ng Shimane at Tottori sa rehiyon ng San’in. Susundan ito ng isang display na nakatuon sa mga prefecture ng Osaka, Hyogo, Okayama, Hiroshima, Yamaguchi at Fukuoka. Ang ikalawang carriage ay may maganda at naka-istilong interiors. Habang ang mga detalye ng interiors ay hindi pa ipinahayag, ang kumpanya ng train ay naglabas ng isang video promotion upamg ipakita amg proyekto kabilang na ang napaka-cute na konduktor ng Hello Kitty train.

 

Ang Hello Kitty Shinkansen ay nakatakdang magsimula sa Japan ngayong summer. Tignan ang opisyal na website para sa iba pang mga detalye.

http://www.jr-hellokittyshinkansen.jp/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s