Japan: Hinuli ang 341 asylum seekers sa unang crackdown dahil sa ilegal na pagta-trabaho

Hinuli ng mga awtoridad ang 341 na dayuhang na ilegal na nagtatrabaho sa unang crackdown na nagta-target sa mga naghahanap ng asylum sa mga lugar sa ilalim ng jurisdiction ng Tokyo at Nagoya na tanggapan ng imigrasyon, isang pagsisikap na nagtutulak sa pinag-uusapang pang-aabuso ng sistema ng refugee ng Japan.

Napag alaman na may tatlong babaeng Pilipina na nahuli sa Aichi prefecture na nagtatrabaho sa club bilang hostess habang sila ay nagpasa ng refugee application. Sa loob ng 341 katao, 94 sa mga ito ay under refugee application. 44 sa kanila ay Vietnamese, 25 ay Pilipino at 11 ay Indonesian.

“Karamihan sa 94 na mga tao na nag apply ng refugee status ay may layuning maghanap ng trabaho,” sabi ng isang opisyal ng ministeryo.

Mula 2010 hanggang kalagitnaan ng Enero, ang Japan ay nagbigay ng permiso o work permit sa lahat ng mga asylum seekers para may mapagkukunan ng pera habang naghihintay ng kanilang resulta sa proseso ng screening, na tumatagal ng 9.9 na buwan.

Ngunit sa pagtaas ng bilang ng mga aplikante na pinaniniwalaan na naghahanap ng mga trabaho, ang bansa ay tumigil sa pagbigay ng work permit at nagpataw ng mas striktong screening system.

By nationality, ang pinakamalaking pangkat ng mga asylum seekers ay mula sa Pilipinas, na may kabuuang 4,895 noong nakaraang taon, sinundan ng Vietnam, Sri Lanka at Indonesia.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s