10 scholars galing Negros Occidental, mag-aaral sa Japan

Napili ang sampung mag-aaral mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Negros Occidental upang mag-aral sa Miyakonojo Higashi High School sa Miyazaki Prefecture Japan sa susunod na taon.

Ang tatlong-taong scholarship grant ay ginawang posible ng memorandum of understanding (MOU) na pinirmahan ni Gobernador Alfredo Marañon Jr. sa paaralan noong pumunta siya ng Japan noong Hunyo.

Ang mga mag-aaral, na aalis ngayong Marso, ay nakipagkita sa gobernador noong Miyerkules upang maipakita ang kanilang natutunang basic Japanese language at kultura.

Ang fellowship lunch, na dinaluhan din ng mga magulang ng mga estudyante, ay ginanap sa OISCA Training Center sa Bago City.

Pinuri ni Marañon ang mga mag-aaral na nagpapakilala ng kanilang sarili at nakipag-usap sa wikang Hapon at hiniling niya na sana maging mahusay sa kanilang pag-aaral sa kanilang host country.

Ang mga mag-aaral ay dumalo sa isang linggong pagsasanay sa wikang Hapon at kultura bilang paghahanda ng OISCA Training Center para sa kanilang pag-alis.

Earlier this month, nakuha nila ang kanilang mga pasaporte mula sa Regional Consular Office ng Department of Foreign Affairs sa Bacolod City.

Ang MOU na pinirmahan ni Marañon kasama ang Miyakonojo Higashi High School ay nagsabi na ang paaralan at ang Gobyerno ng Probinsiya ay may parehong vision sa pagbibigay ng mga pagkakataong pang-edukasyon sa mga motivated at karapat-dapat na mga Negrense high school na nagnanais na mag-aral sa Japan.

Ang Provincial Government ay inatasan sa screening, pagpili, pag recommend ng mga qualified na estudyante at mag provide ng financial support at iba pang expenses habang ang school naman ay naka assign na i-shoulder ang full tuition, mag provide ng three-year full accommodation, siguraduhin ang safety at security ng mga scholars, at mag provide ng opportunity pagkatapos ng graduation.

10 Negrense scholars of Miyakonojo Higashi High School with DFA Officer-in-Charge of the Regional Consular Office – Bacolod Carolina Constantino (6th from left), NOSP Head Karen Dinsay (right) and April Duran (left). Negros Occidental Provincial Government photo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s