Biglang nabasag ang bintana ng train sa Musashino line

Noong gabi ng ika-13, nagkaroon ng problema sa linya ng JR Musashino kung saan ang bintanang salamin ng tren ay biglang nabasag.

Ang mga butil ng salamin ay nagkalat sa upuan. Ang bintana ay biglang nalang nabasag habang tumatakbo sa linya ng Musashino sa pagitan ng istasyon ng JR Nishi Kokubunji at istasyon ng Shin-Odea ng bandang 8:30 ng hapon noong ika-13. Ayon sa JR East Japan, ang bintanang nabasag ay nasa car No. 3 sa window No. 5 na kung saan isa sa dalawang bintana ang nabasag, ang tren ay huminto sa pagmamaneho sa Shinodatei Station, at mga 800 pasahero ang pinababa at pinasakay sa ibang train. Walang namang pasahero ang naiulat na nasugatan.

Ayon sa mga pasahero, biglang may malakas na ingay ng nababasag na salamin, at nakita nalang nila na nakakalat na ang mga bubog sa upuan at sahig ng train.

Dahil sa problema na ito, ang linya ng Musashino ay huminto sa pagmamaneho nang mga 20 minuto. Sinisiyasat ng JR East ang dahilan.

(14th 00: 23)
FNN News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s