Pinakamalamig na temperatura na na-record ngayong winter

Ang pinakamalamig na na-record ngayong taon ay ngayong December 13, na may malakas na pag-ihip ng hangin lalo na sa bandang western Japan at inaasahan na bukas December 14 magkakaroon ng napakalakas na pag ulan ng snow at malas at malamig na ihip ng hangin sa ilang mga lugar sa bandang Sea of Japan.

Sa 24 hours hanggang umaga ng 10 am may 69 cm na snow sa Niigata · Tokamachi city. Nagkaroon ng ilang mga aksidente dahil sa snow. Sa Yamagata / Okura village, bandang 5 am, isang lalaki ang namatay ng maipit sa rotor part ng isang snowplow habang nagtatanggal ng snow sa daan. Ayon sa imbistegasyon, dalawang lalaki ang in charge sa pagtanggal ng snow ng ma-stuck ang makina, tinigil ang makina at tinanggal ang naka-stuck na snow subalit bigla itong umandar at naipit ang lalaki. Sisiyasatin ng police ang nangyaring aksidente.

Inaasahan na sa December 14 ay magkakaroon ng posibilidad ng pag-ulan ng snow at malamig na hangin sa mga bundok ng Hokuriku region. Ang inaasahan snowfall sa 24 hours hanggang 6am ng ika-14 sa ibat ibang lugar ay 60 cm sa Hokuriku, Hokkaido at Tohoku, 50 cm sa Nagano Prefecture, atbp.

Mag iingat sa paglabas ng bahay at magsuot ng tamang damit panlamig.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s