May-ari ng car repair shop, arestado sa pagbenta ng Lamborghini ng kanyang customer.

Inaresto ng Metropolitan Police Department ang may-ari ng isang car repair shop sa suspetsang pagbenta ng isang luxury foreign car na “Lamborghini” na pagmamay-ari ng kanyang customer.

Ibinenta ni Mitsuru Okudaira, 44, may-ari ng isang car repair company ang “Lamborghini · Gallardo” na ipinaayos ng kanyang cutomer sa kanyang shop noon pang 2015, ibinenta niya ito sa halagang 5 million yen ng walang pahintulot sa isang kakilala. Sasampahan siya ng kasong suspicion of embezzlement.

Binili ng lalaking may ari ang sasakyan ng 18 million yen at binabayaran nya pa din ito ng loan. Pinaayos niya ito sa shop ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din ito nasasauli ng shop inabot na ng ilang taon.

Inamin naman ni Okudaira at iba pang kasabwat ang krimen at dahilan niya ay nangangailangan talaga sya ng pera dahil sa utang kaya niya nagawa ito. Napag-alaman din ng Metropolitan Police na may ginagawa itong ilegal na pag buy and sell ng mga luxury cars.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s