2 Phil Naval Pilots nakumpleto ang training sa Japan

Photo courtesy: JMSDF

Noong October 20 sa Tokushima Prefecture, nakumpleto na ang training sa Japan Maritime Self-Defence Force (JMSDF) ng dalawa pang Philippine Navy pilots na galing sa naval air group.

Ang Pilipinas at Japan ay nagkasundo na magtrain ng anim na Filipino Naval Pilots hahatiin sa 3 batch, kada batch ay magkakaroon ng 90 hours training on ground at 170 hours naman sa aerial training. Ang first batch ay nagsimula noong November 2016 atnagtapos noong March 2017.

Ang training ay may koneksyon sa pag-transfer ng 5 TC-90 aircraft sa Pilipinas at pinangunahan ang training ng 202 Training Squadron ng JMSDF Air Training Command.

Bukod pa rito, ang Japanese Defense Minister na si Onodera ay nagpahayag kay National Defense Secretary Delfin Lorenzana sa sidelines ng 4th ASEAN Ministers Meeting Meeting (ADMM) Plus sa Clark, Pampanga na sa halip na pauupahin, ang gobyerno ng Japan ay magdo-donate ng limang TC-90 aircraft.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s