UBE Express ang safe, efficient, at hassle-free na bus ride ng NAIA

Simula pa dati ay lagi tayong nahihirapan sa pagsakay ng taxi sa NAIA, una sa lahat napakamahal ng taxi, kapag sa airport taxi ka naman sumakay aba’y napakahaba ng pila at kapag naman sa mga normal lang na taxi ka sumakay tatagain ka naman sa presyo at hindi pa safe.

Pero ngayon, mayroon ng bagong ride! Mura na, safe at may libreng wifi pa!

Ang UBE (Ultimate Bus Experience) Express
. Ito ay Airport Bus Service project na sinimulan ng Department of Transportation (DOTr) at ang kadikit nitong agency na Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naglalayong mapalawak ang kasalukuyang public transport services sa tatlong airport terminals sa Metro Manila. Ito ay inilungsad para sa mas efficient, hassle-free at commuter-friendly transport services options para sa mga pasahero na papunta at palabas sa tatlong airport terminals.

Photo courtesy: Ube Express

Ito ay may point-to-point system na ibig sabihin ay aalis ang bus at titigil sa nakatakdang lugar sa nakatakdang oras at walang ibang makakasakay at makakababa kundi sa mga designated stops lamang, sounds familiar? Yes, katulad po ito sa sistema ng bus sa Japan!

May assistance din ang bus para sa mga disabled passengers at may resibo na ibibigay kapag nagbayad na nakalagay ang pangalan ng driver, conductor at info ng schedule ng bus, sa ganitong paraan ay madaling mareport kapag may reklamo sa serbisyo ng bus.

Ito ang UBE Express Routes, Schedule at Ticket Price

From NAIA Terminal 1, 2, 3 and 4
Via Entertainment City Route:
SM Corp. Office -> Hotel 101 -> Shell Residences -> SMX Convention Center -> Conrad/Microtel -> SM Entertainment Hall/SM By the Bay -> One E-Com Center -> SM Ferry Terminal -> Back to NAIA Terminals

Operating Hours:
5:00 AM to 12 MN – Passes through each stop every 30 minutes

Via Robinsons Route:
Heritage Hotel -> Midal Hotel -> Hotel Jen -> Century Park -> Diamond Hotel -> Luneta Hotel -> New World Hotel -> Pan Pacific Hotel -> Bayview Hotel -> Manila Pavilion -> Manila Hotel -> Bayleaf Hotel -> Robinsons Manila -> Back to NAIA Terminals
Operating Hours: 6:00 AM to 12 MN – Passes through each stop every 2 hours

Via Makati Route: Glorietta 4 & 5 -> Ascott -> Dusit Thani -> Prince Plaza II -> Holiday Inn -> Peninsula -> Shangri-La -> New World -> Jinjiang Inn -> Fairmont -> Crown Regency -> Back to NAIA
Operating Hours: 6:00 AM to 8:00 PM – Passes through each stop every 2 hours

Via Grand Prix Route: Grand Prix Hotel/Victory Liner -> Kabayan Hotel -> Back to NAIAOperating Hours: 2:00 PM to 1:00 AM – Passes through each stop every 30 minutes

Via Atrium Route: Networld Hotel -> Atrium Hotel/Jam Liner Buendia -> Back to NAIAOperating Hours: 4:00 AM to 10:00 PM – Passes through each stop every 2 hours

UBE Express tickets cost Php 200 until March 2017.  Regular price is Php 300.

Passengers get to enjoy a safe ride with free WIFI onboard!

Ito po ang kanilang facebook page: https://www.facebook.com/UbeExpress/

Maaari rin makapag online booking, please visite their website:
http://www.ubeexpress.com/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s