Pagbili ng Commuter’s Pass o “Teiki-Ken”

Kapag kayo ay laging nagko-commute na gamit ang train o bus papuntang school o di kaya sa trabaho, tiyak na makakamura kayo sa pamasahe kapag bumili ng Commuter Pass o Teiki-Ken, ang pass na ito ay tinatawag din na “IC card o integrated chip” na may touch-and-go style na kung saan tina-tap ang mga card sa card readers ng ticket gates ng mga train stations at sa mga bus. 
Ang Teiki-ken ay mabibili at mare-renew sa set periods of time.
1 month
3 months
6 months

At may dalawang tipo:
1. Pang commute papuntang trabaho
2. Pang commute papunta sa school
(Mayroong student discount, ipakita lamang ang student id card tuwing bibili)

Paano bumili?

Sa counter:
・Pumunta sa ticket counter ng train station
・Sabihin na gustong bumili ng Teiki Ken at kung pang ilang buwan.
・Mag fill up ng form. Dito nakalagay ang detalye sa rota ng biyahe at personal info (name, age, gender, address at phone number)
・Ibigay ito sa attendant. Mabibigyan agad ng Teiki-ken pagkatapos ng ilang minuto.

Machine:
・Pumunta sa mga machine ng bilihan ng ticket.
・Pindutin ang button ng Teiki Ken purchase.
・Ilagay ang rota ng biyahe, ilang buwan, personal info.

Nakalagay sa card ang personal info upang ma identify at ma contact ang may ari ng card in case mawala ito. Bagamat magagamit lamang ang Teiki-ken sa rota ng biyahe na inyong pinili, maaari din itong magamit sa ibang lugar sa mga trains at buses. I-charge lamang at lagyan ng pera ang card. Sa ganitong paraan, hindi na kayo bibili ng hiwalay na ticket at wala ng hassle kapag may pupuntahang ibang lugar.
At isa pa sa kagandahan ng Teiki-ken ay pwede itong magamit sa pamimili sa mga convinience store at ibang mga restaurants. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s